Cagayan de Oro City – Sa pangunguna ni Port Manager Isidro V. Butaslac, Jr., ay nakiisa ang Port Management Office of Misamis Oriental/Cagayan de Oro, sa paggunita sa ika- “81st Anniversary of General Douglas MacArthur’s Breakout from Corregidor” noong ika-13 ng Marso 2023. Ginanap ang naturang aktibidad sa historical landmark ng Port of Cagayan de Oro – ang MacArthur Memorial Marker.
Kung saan binahagi ng mga pamilya at mga kamag-aank ng ating mga World War II Guerrillas at United States Armed Forces of the Far East (USAFFE) Veterans sa Northern Mindanao, ang isang historically-accurate, museum quality 1:24 scale model ng PT-41 sa City Government ng Cagayan de Oro para italaga sa MacArthur Memorial Monument. Ang model na ito ay nilikha upang magbigay pugay sa mga sakripisyo ng ating mga beteranong mandirigma para mapabagsak ang imperyalismong Hapon.
Ayon sa mga kaanak at organizer ng nasabing aktibidad, ang daungan ng Macabalan, Cagayan de Oro City ay nagsilbing daan sa agarang paglisan ni Gen Mac Arthur at mga kasapi nito patungong Australia sakay sa dalawang B-17E Bombers.
Kasama nga PMO MO/C ang LGU ng Cagayan de Oro City sa pagbigay halaga sa partisipasyon at kontribusyon ng daungan ng Cagayan de Oro na naging bahagi sa kasaysayan ng ating bansa.